Nakatakdang bumisita sa Malacañang si United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Makakapulong ni Khan si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon sa Presidential Task Force on Media Security, magaganap ang pagpupulong bandang alas-4:00 ng hapon bukas.
Ito ay gaganapin sa Bonifacio Hall sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Khan ay nasa Pilipinas para sa 10 araw na pagbisita upang magsagawa ng pagtaya sa human rights mechanism ng bansa.
Partikular na dito ang freedom of opinion and expression.
Hindi naman nakapagbigay pa ng ilang detalye ang PTFMOS para sa mga agendang nakalatag sa magaganap na pagpupulong nina ES Bersamin at ni Khan.
Wala ring nabanggit kung pag-uusapan nina Khan at Bersamin ang isyu sa illegal drug campaign ng nakaraang Duterte Administration. | ulat ni Alvin Baltazar