Nakatakdang ihatid ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kaniyang ikalawang Basic Education Report bukas ng alas-3 ng hapon sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City.
Ayon sa DepEd, inaasahang matatalakay ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Kagawaran ang mga update sa mga programa at proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda.
Ito ay matapos nitong ilatag sa unang Basic Education Report ang mga plano para sa sektor ng basic education noong nakaraang taon.
Layon ng programa na bumuo ng curriculum na makatutulong na mag-produce ng mga mag-aaral na handa sa trabaho, aktibo, at responsableng mamamayan.
Inaasahan din ang pagdalo sa naturang pagtitipon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan, mga diplomat, education partners, at mga opisyal ng DepEd. | ulat ni Diane Lear