Minaliit ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga alalahanin tungkol sa kasalukuyang utang ng bansa.
Iginiit ni Recto, na ang pangunahing konsiderasyon ay ang kakayahang magbayad sa halip na tignan ang halaga ng utang.
Pahayag ni Recto sa isang pulong-balitaan, ang mahalaga ay kayang bayaran ng gobyerno ang utang nito.
Sa ngayon nasa ₱14.5-trillion na ang national debt, katumbas ito ng 60 percent gross domestic product ng bansa na ayon sa kalihim ay highly manageable.
Kumpiyansa rin si Recto na kayang makamit ng pamahalaan ang target na ibaba ang debt-to-gdp ratio.
Sa ngayon on-track ang DOF sa pagsisikap na makuha ang below 60% threshold na hindi nasasakripisyo ang growth process.
Diin pa ni Recto, pinakamahusay na paraan na paglago ng ekonomiya ay dagdag kita at pagpapalawak ng tax base. | ulat ni Melany Valdoz Reyes