Ini-activate ng DICT Calabarzon sa Municipal Hall ng islang bayan ng Alabat, Quezon ang Very Small Aperture Terminal o VSAT na magagamit sa pagresponde sa mga sakuna at emergency.
Ayon sa pabatid ng DICT IV-A, tinitiyak ng VSAT ang mabilis, maaasahan, at epektibong komunikasyon tuwing may kalamidad tulad ng bagyo, kung kailan karaniwang nagiging hadlang ang mahinang signal sa pagpapalitan ng impormasyon.
Nilalayon ng inisyatibang ito na suportahan ang mga lokal na komunidad sa Rehiyon pagdating sa disaster and emergency response.
Ang VSAT ay isang maliit na earth station na ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng datos, voice at video signals sa pamamagitan ng satellite communication network. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena