Voucher para sa libreng gamot, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ngayon ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na magkaroon ng isang medicine voucher program para makakuha ng libreng gamot.

Sa kaniyang inihaing House Bill No. 9797 o Free Medicine Act of 2024, gagamitin ang voucher para bigyang access sa libreng gamot ang mga mahihirap na Pilipino sa mga pampublikong ospital, accredited drugstores at iba pang pribadong establisyimento.

Punto ng mambabatas, kahit kasi aniya covered ng PhilHealth ang isang pasyente, kapag hindi available sa ospital ang gamot na kailangan ay napipilitan silang bumili sa labas at gumastos mula sa kanilang sariling bulsa.

Sakaling maisabatas, makikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH)  sa mga kaukulungang ahensya ng gobyerno at stakeholders, para bumuo ng isang mekanismo upang mapadali ang akreditasyon ng health care medicine providers,  mga pribadong kumpanya ng gamot at botika para masiguro ang access sa de-kalidad na mga gamot.

“Sa panukalang ito, gusto po nating tulungan at mapagaan ang pasanin ng mga PhilHealth members, at ang lahat ng mga kababayan natin na kailangang-kailangan ng suporta sa pagpapagamot o pagpapaospital,” diin ni Lee. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us