Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang publiko na alalahanin ang kabayanihan at sakripisyo ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).
Ito ay kasabay ng paggunita ng ika-9 na taong anibersaryo ng trahedya sa Mamasapano.
Sa mensahe ni VP Sara, sinabi nitong hindi matatawaran ang dedikasyon at pagmamahal sa bayan ng SAF 44 na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng bansa.
Hinimok din ng Pangalawang Pangulo na alalahanin ang mga naiwang pamilya at mahal sa buhay ng SAF 44.
Saludo aniya si VP Sara sa Gallant 44 at sa buong kapulisan na patuloy na nagsasakripisyo para matamasa ang kalayaan at maprotektahan mula sa banta ng terorismo ang ating bansa.
Sa huli sinabi ni VP Sara, hindi malilimutan ang katapangan na ginawa ng SAF 44. | ulat ni Diane Lear