Titiyakin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaabala ang supply line sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ang pagtiyak ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, kasunod na napaulat na pagka-unsyame ng regular na Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa BRP Sierra Madre nitong weekend.
Paliwanag ni Padilla, hindi natuloy ang naturang misyon dahil sa technical difficulty sa barkong inarkila para maghatid ng mga supply.
Ayon kay Padilla, posibleng magsagawa ng ‘air drop’ pero ito ay karaniwang ginagamit lang sa mga emergency situation.
Tiniyak ni Padilla na magtutuloy-tuloy ang mga RoRe Mission sa BRP Sierra Madre, at sa mga susunod na buwan ay asahan na magkaroon ng mga pagbabago sa pagsasagawa nito, alinsunod sa “guidance” ng Pangulo at AFP Chief. | ulat ni Leo Sarne