Isang 24/7 serbisyo caravan ang iniaalok ngayon ng Malabon local government.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval.
Tinawag itong ‘Walang Tulugan, Serbisyo Caravan’ kung saan kasama sa iaalok ang iba’t ibang klaseng serbisyong medikal.
Ayon sa LGU, Dental at Reproductive Health Caravan ang hatid sa Potrero, Catmon, Longos, at Tonsuya Super Health Centers mula January 15 (8AM) hanggang January 16 (8AM).
Habang mayroon ding alok na family planning (counselling, commodities provision, progestin subdermal implant insertion), HIV/STI counselling at testing, Cervical Cancer screening thru VIA (visual inspection using acetic acid), at dental checkup ang alok ng City Health Department para sa mga residente.
Kaugnay nito, nag-abiso na rin ang pamahalaang lungsod na pansamantalang isasara ang mga sumusunod na kalsada sa lungsod ngayong Lunes para magbigay daan sa naturang caravan:
- Rizal Avenue corner General Luna at corner Manapat Street (simula 7am)
- C4 Road corner Borromeo
- C4 Road corner Pampano • P. Aquino Ext. corner Borromeo (12:01AM (Half-Lane) 5:00PM (Full Closure). | ulat ni Merry Ann Bastasa