Pinangunahan ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lieutenant General William Gonzales ang pormal na panunungkulan sa pwesto ng bagong Deputy Commander at Deputy Commander for External Defense Operations ng WestMinCom.
Si Brigadier General Aldrin Annani Philippine Air Force (PAF), na isang beteranong combat pilot, at dating Deputy Air Logistics Commander at Wing Commander ng Presidential Airlift Wing ang umupo bilang bagong WestMinCom Deputy Commander.
Pinalitan ni Brig. Gen. Annani si Brig. Gen. Vincent Incognito PAF, na nagsilbing Deputy Commander ng WestMinCom sa loob ng halos 12 buwan.
Habang si Brigadier General Taharudin Ampatuan, Philippine Army (PA) naman ang umupo bilang WestMinCom Deputy Commander for External Defense Operations, isang bagong posisyong nilikha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang paghahanda sa pagtutok sa terrotorial defense mula sa Internal Security Operations.
Malugod na tinanggap ni Lt. Gen. Gonzales ang dalawang bagong-upong opisyal, at sinabing malaki ang kanyang tiwala na mahusay na gagampanan ng mga ito ang mga responsibilidad ng kanilang mga bagong tungkulin. | ulat ni Leo Sarne
📸: WestMinCom