Nilinaw ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na may sapat na suplay ng tubig ang bansa para sa paghahanda sa “worst-case scenario” sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon.
Ayon kay LWUA Administrator Vicente Homer Revil, patuloy ang pakikipagtulungan ng ahensya sa mga local government unit, stakeholders, at komunidad sa pagpapakalat ng mga tamang impormasyon tungkol sa El Niño.
Inatasan din ng LWUA ang mga water district na magkaroon ng water supply inventory.
Kasama rin dito ang pag-aaksaya ng tubig na dapat ay mas mababa sa 20%, tulad ng mga may tagas na tinatawag din na revenue waters na hindi hihigit sa 20%.
Magkakaroon ng 10% reservation measures sa paggamit ng tubig ang magiging direktiba mula sa ahensya.
Tinitingnan din ng LWUA ang mga posibleng paraan para mapalakas ang kasalukuyang suplay ng tubig sa bansa. | ulat ni Mary Rose Rocero