Inaasahan ng Bureau of Customs (BOC) na maabot nito ang ang target nito na ₱1 trillion na revenue collection para sa 2024 matapos malampasan nito ang kita para sa nakaraang buwan na aabot sa higit ₱100 billion.
Noong nakaraang taon, nalagpasan rin ng BOC ang kita nito sa higit ₱883 billion, lagpas sa kanilang target sa ₱874 billion.
Ngunit habang patuloy ang ahensya na maabot ang ₱1 trillion na target, ipinahayag nito na patuloy ang BOC sa pagpapabuti ng trade facilitation, border control, at digitalization initiatives na sang-ayon sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Noong 2023 lamang, 90 kriminal na kaso ang kanilang naihain sa Department of Justice (DOJ) at na-automate na ang halos 97% ng kanilang core processes na nakatulong na umano sa pag-address ng congestion sa mga pantalan. | ulat ni EJ Lazaro