Tulong pang agrikultura sa Agusan del Sur na ibinigay kahapon sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, nagkakahalaga ng P3.2 Million na kinabibilangan ng 2400 na sakong certified rice seeds, 495 kilograms ng rodenticides, at 4,872 na mga pakete ng iba’t ibang vegetable seeds.
Ang nasabing agricultural assitance ay ipinamahagi sa pagbisita ng Pangulo sa Prosperidad, Agusan del Sur kahapon para tingnan ang progreso ng itatayong Provincial Soil Science Laboratory ng pamahalaang panlalawigan.
Samantala, iniutos ni Agriculture Secretary Laurel Tiu sa DA Caraga na patuloy na makipag-ugnayan sa mga LGU upang malaman ang kabuuang pinsala sa agrikultura dulot ng naranasang malawakang pagbaha dala ng shear line at trough ng low pressure area (LPA).
Kinakailangan anyang maipagpatuloy ang pagbibigay ng climate resiliency programs tulad ng technology interventions nang sa gayu’y matulungang makabangon ang mga magsasaka sa epekto ng kalamidad.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan