Kumpiyansa ang ilang mga nagtitinda ng bigas na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyuhan ng bigas sa mga pamilihan.
Ito’y dahil sa inaasahang madaragdagan pa ang suplay ng bigas dahil sa may ilang sakahan na ang nagsisimulang mag-ani ng kanilang mga pananim.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Agora Public Market sa San Juan, may mabibili nang ₱50 na kada kilo ng well-milled rice mula sa dating ₱52.
Una nang tiniyak ng Department of Agriculture na walang magiging problema sa pagkain sa kabila ng matinding epekto ng El Niño dahil sa nananatiling sapat ang suplay nito. | ulat ni Jaymark Dagala