Ipinagkaloob ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen kaninang umaga ang 10 irrigation system projects sa Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng mahigit ₱219 milyon.
Sa pabatid ng lalawigan, tinanggap ng pangulo ng iba’t ibang farmers’ irrigator associations sa lalawigan ang symbolic key ng mga ipinagkaloob na irrigation system projects ng National Irrigation Administration.
Ang mga ipinagkaloob na proyekto ay pakikinabangan ng halos 1,900 na farmer beneficiaries mula sa mga bayan ng Naujan, Calapan, Socorro, Pola, at Gloria.
Kasabay ng aktibidad ay isinagawa rin ang ribbon cutting ceremony at blessing ng bagong gusali ng NIA MOMARO o panglalawigang tanggapan ng NIA para sa Mindoro, Marinduque at Romblon na matatagpuan sa Brgy. Bayanan II, Calapan City. | ulat ni Leonie Algire | RP Lucena