Umabot sa 118 na pares ang sabay-sabay na ikinasal kasabay ng ika-20 taon ng pagdiriwang ng “Love Affair with Nature” sa lungsod ng Puerto Princesa na ginanap ngayong taong 2024 sa Sitio Soliman sa Bgy. Iwahig.
Nasa 102 sa mga ikinasal ay nagsasama na sa isang bubong at nais na mabigyan ng basbas ang kanilang pagsasama.
Nag-officiate sa nasabing kasalang bayan ang alkalde ng lungsod na si Mayor Lucilo Bayron.
Matapos ang seremonya ng kasal ay itinanim rin ang hindi bababa sa 10,000 mga bakawan sa nasabing lugar.
Taunang isinasagawa sa syudad, sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, ang Love affair with nature tuwing ika-14 ng Pebrero na nagsimula pa noong 2003.
Layunin nitong maipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bakawan sa mga dalampasigan sa syudad, partikular sa mga lugar kung saan kinakailangan ang mga ito. | ulat ni Lyzl Pilapil | RP1 Palawan