Nakapagpamahagi na ang gobyerno ng mahigit sa P362M na tulong pinansyal sa mga magsasakang apektado ng matinding tagtuyot na nararanasan sa ilang lalawigan sa bansa.
Ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng El Niño ay alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang “Whole of Government Approach” upang maibsan ang epekto ng matinding tag-tuyot.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council, ipinadaan ang tulong sa pamamagitan ng Department of Agriculture.
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 18,667 na magsasaka sa Occidental Mindoro, 19,624 sa Oriental Mindoro, halos 4,000 sa Marinduque, mahigit 5,000 sa Romblon at 24,245 sa Palawan.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit P865M ang pinsala ng matinding tagtuyot sa sektor ng Agrikultura kung saan ang Region 6 ang pinaka napuruhan sinundan naman ng MIMAROPA, CALABARZON, Region 9 at Region 1. | ulat ni Leo Sarne