Kamara, babalansehin ang panukalang wage hike sa pagprotekta ng mga maliliit na negosyo

Hindi tutol ang Kamara sa panukalang P100 wage hike na ipinapanukala ng Senado, ngunit babalansehin ito sa kakayanan ng mga maliliit na negosyo. Ito ang tinuran ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kasunod ng panawagan ng Senado na sana’y ipasa rin ng Kamara ang itinutulak na legislated wage hike.… Continue reading Kamara, babalansehin ang panukalang wage hike sa pagprotekta ng mga maliliit na negosyo

Digital connectivity at mas murang internet service, asahan sa pagsasakatuparan ng Philippine Domestic Submarine Cable Network

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaki ang papel na gagampanan ng Philippine Domestic Submarine Cable Network sa layon ng administrasyon na magpaabot ng maaasahan at abot-kayang internet service sa mga Pilipino. “Tonight, what we have done here will accelerate the pace of our improvement anew as we light up the beam of… Continue reading Digital connectivity at mas murang internet service, asahan sa pagsasakatuparan ng Philippine Domestic Submarine Cable Network

Finance chief, suportado ang pagpapalawig ng libreng edukasyon na alok ng SUCs

Suportado ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagpapalawig ng ‘free education program’ na inaalok ng state universities. Sa panayam kay Recto, sinabi nito na pabor siya na mag-invest sa edukasyon ang gobyerno. Aniya, ito ang isa sa kanilang napag-usapan ng Office of the Chief Economist kung saan tinalakay ang Build Better More Program. Taliwas sa… Continue reading Finance chief, suportado ang pagpapalawig ng libreng edukasyon na alok ng SUCs

Sen. Risa Hontiveros, tiwalang pipirmahan ng Pangulo ang panukalang legislated wage hike

Kumpiyansa si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ₱100 legislated wage hike para sa lahat ng minimum wage workers sa pribadong sektor. Sinabi ito ng senadora sa kabila ng pagtutol ng ilang employer at business group sa naturang panukala dahil sa sinasabing magiging “inflationary effect”… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, tiwalang pipirmahan ng Pangulo ang panukalang legislated wage hike

Sen. Jinggoy Estrada, ikinagalak ang paborableng desisyon ng DOJ sa kaso ni Elvie Vergara

Iginiit ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada na nararapat lang ang paborableng desisyon ng Department of Justice (DOJ) para sa minaltratong kasambahay sa Occidental Mindoro na si Elvie Vergara. Ayon kay Estrada, nabuhayan siya ng loob sa balitang maglalabas ang DOJ ng resolusyon na pabor sa kasambahay na dumanas ng ilang taong… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, ikinagalak ang paborableng desisyon ng DOJ sa kaso ni Elvie Vergara

Senado, balak umupo bilang ‘senate assembly’ sa pagrerekomenda ng economic amendments sa konstitusyon

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang balak ng Senado na baguhin ang sarili nitong panuntunan para makaupo sila bilang “senate assembly” na magrerekomenda ng pagbabago sa 1987 Constitution. Ayon kay Zubiri, pinag-uusapan na nila ito nina Senate Sub-committee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara at Minority Leader Koko Pimentel. Batay sa plano,… Continue reading Senado, balak umupo bilang ‘senate assembly’ sa pagrerekomenda ng economic amendments sa konstitusyon

Pakikipagtulungan ng Philhealth sa pribadong healthcare providers para mapagbuti pa ang serbisyo, iminungkahi

Muling binuhay ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st district Rep. Janette Garin ang mungkahi na makipag-ugnayan ang Philhealth sa mga pribadong health providers upang mapagbuti pa ang serbisyo. Sa press briefing ngayong araw, sinabi ni Garin na noong siya ay health secretary pa ay itinulak na niya na i-outsource ng Philhealth ang serbisyo… Continue reading Pakikipagtulungan ng Philhealth sa pribadong healthcare providers para mapagbuti pa ang serbisyo, iminungkahi

Pagkakaroon ng “heartbreak leave,” inihain sa Kamara

Itinutulak ni Cagayan de Oro City Representative Lordan Suan na magkaroon ng heartbreak leave at emotional support ang mga empleyadong bigo sa pag-ibig. Ipinunto ng mambabatas sa kaniyang House Bill 9931 o Heartbreak Recovery and Resilience Act, na may mga pag-aaral na nagsasabi na nakakaapekto ang break up o paghihiwalay sa emotional at mental well-being… Continue reading Pagkakaroon ng “heartbreak leave,” inihain sa Kamara

Panukalang pagtatatag ng PNP DNA database, malaking tulong sa pagresolba ng mga krimen sa bansa – Sen. Dela Rosa

Binigyang-diin ni Senator Ronald Bato dela Rosa ang pangangailangang makabuo ang Philippine National Pollice (PNP) ng DNA database. Sa kanyang sponsorship speech sa Senate Bill No. 2474 o ang PNP Forensic DNA Database Act, sinabi ni Dela Rosa na unang nadiskubre ang DNA ng isang Swiss chemist noong 1860 at unang ginamit sa United States… Continue reading Panukalang pagtatatag ng PNP DNA database, malaking tulong sa pagresolba ng mga krimen sa bansa – Sen. Dela Rosa

Mga mambabatas, pinagsabihan ni Speaker Romualdez na itigil na ang pakikipagsagutansa mga senador

Pinayuhan na mismo ni House Speaker Martin Romualdez ang mga mambabatas na huwag nang patulan ang mga pahayag ng mga senador. Sa pulong balitaan sa Batasan, sinabi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na matapos ang Ash Wednesday mass ay nakausap ng ilang kongresista si Speaker Romualdez. Ang sabi aniya sa kanila ng House… Continue reading Mga mambabatas, pinagsabihan ni Speaker Romualdez na itigil na ang pakikipagsagutansa mga senador