Kauna-unahang combat engineer regiment, binuhay ng Philippine Army

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang pagbuhay sa kauna-unahang Combat Engineer Regiment ng Philippine Army sa seremonyang isinagawa sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon. Ang bagong tatag na Combat Engineer Regiment ay binuo mula sa dating 55th Engineer Brigade na nakabase sa Lanao del Norte na malaki ang naging papel sa… Continue reading Kauna-unahang combat engineer regiment, binuhay ng Philippine Army

Campus Caravan ng PCO, aarangkada sa susunod na linggo sa Visayas at Mindanao

Rehiyon ng Visayas at Mindanao ang lugar na pupuntahan ng Campus Caravan ng Presidential Communications Office (PCO). Ito ang sinabi sa Bagong Pilipinas ni PCO Assistant Secretary Wheng Hidalgo Otida sa harap ng tuloy-tuloy na pagtataguyod ng Presidential Communications Office ngmedia information literacy workshops at iba pang mga aktibidad sa mga estudyante. Ayon kay Asec.… Continue reading Campus Caravan ng PCO, aarangkada sa susunod na linggo sa Visayas at Mindanao

Public respiratory hygiene, dahilan sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases at flu-like na mga sakit — DOH

Binibigyang pagpapahalaga ng Department of Health ang ginagawa ngayon ng publiko pagdating sa respiratory hygiene. Ito ang naging pahayag ng ahensya matapos ma-monitor ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga may influenza-like na sakit at COVID-19 ngayong Pebrero. Ayon sa DOH, malaking bagay ang paghuhugas ng kamay, paninigurado na mayroong tamang daloy ng hangin… Continue reading Public respiratory hygiene, dahilan sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases at flu-like na mga sakit — DOH

DSWD, may naka-pre-position nang malaking tulong para sa mga apektado ng El Niño

Nakalatag na ang interventions ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang tatamaan ng epekto ng El Niño. Sa isinagawang DSWD Media Forum, tiniyak ni DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe na may naka-pre-position nang family food packs (FFPs) at non-food items sa mga regional office… Continue reading DSWD, may naka-pre-position nang malaking tulong para sa mga apektado ng El Niño

Senior Citizen ID application, pinasasama sa serbisyo ng eGov PH Super App

Isang technical working group ang binuo ng House Committee on Information and Communications Technology upang plantsahin ang House Bill 9704. Sa ilalim ng panukala, isasama sa eGov PH Super App ang senior citizen identification card application. Ayon kay Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, pangunahing may akda ng panukala, mahalagang maisama ang senior citizens sa… Continue reading Senior Citizen ID application, pinasasama sa serbisyo ng eGov PH Super App

Mas episyenteng serbisyo publiko, tiniyak ni PBBM dahil sa inaasahang mas mabilis na internet speed sa bansa

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas mabilis at mas magandang serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan dahil sa inaasahang mas mabilis na fiber internet sa mga susunod na panahon. Kasunod ito ng paglulunsad ng Philippine Domestic Submarine Cable Network o PDSCN na sinasabing may pinakamataas na capacity sa lahat ng domestic submarine cable… Continue reading Mas episyenteng serbisyo publiko, tiniyak ni PBBM dahil sa inaasahang mas mabilis na internet speed sa bansa

Mga pasaway na motoristang nahuli nitong Enero ng LTO-NCR, umakyat sa 3,500

Umabot sa 3,510 motorista ang nahuli ng mga operatiba ng Law Enforcement Unit ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) dahil sa paglabag sa iba’t ibang batas sa trapiko. Ayon sa LTO, 1,860 sa mga motoristang ito ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136, o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic… Continue reading Mga pasaway na motoristang nahuli nitong Enero ng LTO-NCR, umakyat sa 3,500

Bilang ng COVID cases at influenza-like illnesses sa bansa, patuloy ang pagbaba — DOH

Pababa na ang bilang ng mga kaso ng influenza-like illnesses at COVID-19 sa bansa. Ito ay base na rin sa pinakahuling report at monitoring ng Department of Health (DOH). Nakapagtala ang DOH ng 19% na pagbaba ng kaso ng influenza-like illnesses sa buong bansa ngayong taon mula January to February kung ikukumpara noong kaparehong panahon… Continue reading Bilang ng COVID cases at influenza-like illnesses sa bansa, patuloy ang pagbaba — DOH

Nationwide search para sa 2024 Outstanding Gov’t Workers, sinimulan na ng CSC

Tumatanggap na muli ang Civil Service Commission (CSC) ng nominasyon para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers. Ito ay taunang pagkilala sa mga kawani ng pamahalaan na nagpamalas ng husay sa kanilang tungkulin at nagsilbing ehemplo ng serbisyo publiko. Sa inilabas na memo ng CSC, inabisuhan nito ang mga ahensya ng pamahalaan, LGUs, GOCCs,… Continue reading Nationwide search para sa 2024 Outstanding Gov’t Workers, sinimulan na ng CSC

Higit 1,500 job vacancies, alok sa Mega Job Fair sa Caloocan

Muling umarangkada sa Caloocan ang isang Mega Job Fair na nag-aalok ng iba’t ibang oportunidad at trabaho sa mga residente. Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang job fair na ongoing na sa SM Grand Central hanggang mamayang alas-4 ng hapon. Ayon sa LGU, nasa 1,574 job vacancies ang alok sa naturang job… Continue reading Higit 1,500 job vacancies, alok sa Mega Job Fair sa Caloocan