Masayang tinanggap ng 189 benepisyaryo ang tulong mula sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development Bicol sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.
Tumanggap ang mga ito ng P3,000 food credit gamit ang kanilang Electric Benefit Transfer (EBT) Card.
Magagamit ang EBT Card ng mga benepisyaryo sa pagbili ng pagkain mula sa Kadiwa at DSWD-accredited food outlets.
Upang masiguro na makakakain ang mga pamilya ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain, sinisiguro ng DSWD Bicol na ang maaari lamang na mabiling pagkain ay mula sa tatlong (3) grupo ng pagkain na binubuo ng 50% carbohydrates, 30% protein, at 20% fiber. | ulat ni Gary Carl Carillo | RP Albay
📷: DSWD Bicol