Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga tropa ng Philippine Army matapos maka-engkwentro ang humigit kumulang sa 10 miyembro ng New People’s Army sa Masbate.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Louie Dema-ala, nangyari ang engkuwentro sa Brgy. Tuburan sa bayan ng Cawayan kung saan, 2 rebelde ang napatay.
Pawang mga miyembro aniya ng Platoon 1 ng Kilusang Larangang Guerilla South, Sub-Regional Committee ng CPP-NPA ang mga napatay ng militar.
Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang 1 mataas at 1 mababang kalibre ng armas na siyang ginamit ng mga napatay na rebelde
Tinutugis pa ang 8 nakatakas na rebelde na nag-abandona sa 2 napatay nilang kasamahan sa lugar
Wala namang naitalang casualties sa panig ng militar. | ulat ni Jaymark Dagala