Pinaigting pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kampanya nito para makalikom ng buwis ngayong 2024.
Kasunod ito ng kickoff ng ahensya ng 2024 National Tax Campaign na pinangunahan mismo ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr.,
Dinaluhan ito ni Finance Secretary Ralph Recto, ilang higanteng taxpayers sa bansa, government officials, at iba pang katuwang ng BIR mula sa pribado at pampublikong sektor.
Hudyat ito ng pag-arangkada ng tax campaign activities ng ahensya ngayong taon na nakatutok sa layuning maiangat ang tax revenue tungo sa
economic recovery at development ng bansa.
Nasa tatlong trilyong piso ang target na makolekta ng BIR ngayong taon.
Kaya naman, patuloy na hinihikayat ng ahensya ang publiko na magbayad ng tamang buwis sa tamang oras.
“Makakaasa po kayo na mayroong Bagong BIR sa ating Bagong Pilipinas. Nakatutok po tayo ngayon sa makabagong serbisyo na ihahandog ng BIR ngayong 2024. Ang inyong pagbabayad ng tamang buwis ay aming tatapatan ng tamang serbisyo. Ang buong BIR ay nandito, handang maglingkod, para sa Bagong Pilipinas,” ani Commissioner Lumagui. | ulat ni Merry Ann Bastasa