Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, nagtalaga ng bagong mga opisyal sa Bureau of Animal Industry

Itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang chief agriculturist na si Enrico Miguel Capulong, bilang bagong Officer-in-Charge Director ng Bureau of Animal Industry (BAI). Si Capulong ay dating pinuno ng Manila South Harbor Quarantine Office bago maging OIC-Director ng BAI. Papalitan niya si Paul Liamson na ngayon ay director na ng Biotechnology Program… Continue reading Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, nagtalaga ng bagong mga opisyal sa Bureau of Animal Industry

Nasa 22 gamot para sa cancer, sakit sa puso at mental illness, aalisan na ng VAT – FDA

Upang mas maging abot kaya na ang mga gamot sa cancer, sakit sa puso at mental illness aalisan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng value added tax (VAT) ang mga gamot sa naturang mga sakit. Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, nasa 12 gamot sa cancer, 4 na gamot sa hypertension, at… Continue reading Nasa 22 gamot para sa cancer, sakit sa puso at mental illness, aalisan na ng VAT – FDA

Substitute bill sa “Women Participation and Representation in Political Parties,” aprubado na sa komite lebel sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Women and Gender Equality ang substitute bill on “Women Participation and Representation in Political Parties Act. Sa isinagawang committee hearing, tinalakay ang House Bills 6004 and 9667, na naglalayong i-promote ang gender equality at tiyakin ang patas na partisipasyon ng mga kababaihan sa national legislature. Layon din nitong tugunan ang… Continue reading Substitute bill sa “Women Participation and Representation in Political Parties,” aprubado na sa komite lebel sa Kamara

Supplementary allowances at benepisyo para sa mga manggagawa, ipinanawagan ni Sen. Grace Poe

Hinikayat ni Senator Grace Poe ang mga employer na may kakayahan na bigyan ng supplementary allowances at mga benepisyo ang kanilang mga empleyado, para makaagapay sa mataas na presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo. Ayon kay Poe, dagdag tulong ito sa mga manggagawa habang kakapasa pa lang sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado… Continue reading Supplementary allowances at benepisyo para sa mga manggagawa, ipinanawagan ni Sen. Grace Poe

Kamara, naging tapat lang sa probisyon ng Konstitusyon kaugnay sa pamamaraan ng pagboto sa charter amendment

Sinusunod lamang ng House of Representatives ang nakasaad sa Saligang Batas pagdating sa pamamaraan ng pagboto sa isinusulong na charter amendment. Tugon ito ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. sa pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat ay hiwalay ang botohan ng Senado at Kamara. Sa Resolution of Both Houses No.… Continue reading Kamara, naging tapat lang sa probisyon ng Konstitusyon kaugnay sa pamamaraan ng pagboto sa charter amendment

Sen. Raffy Tulfo, giniit na dapat manatili ang deployment ban sa Kuwait hangga’t di nabibigay ang bayad danyos para sa kaso ni Jullebee Ranara

Sinabi ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo na dapat pa ring manatili ang deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait, hangga’t hindi nabibigyan ng sapat na bayad-danyos ang pamilya ng pinaslang na OFW sa naturang bansa na si Jullebee Ranara. Ang pahayag na ito ni Tulfo ay kasunod ng pagkatig… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, giniit na dapat manatili ang deployment ban sa Kuwait hangga’t di nabibigay ang bayad danyos para sa kaso ni Jullebee Ranara

Pastor Quiboloy, pananagutin sa takdang oras dahil sa kawalang-galang sa batas at mga awtoridad

Darating din ang tamang oras para panagutin ang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy sa kawalan nito ng respeto sa batas at awtoridad. Ito ang sinabi ni Deputy Majority Leader Jude Acidre nang mahingan ng reaksyon kaugnay sa mga naging pahayag ng pastor sa kaniyang social media page. Isa rito ang paratang na nakipagsabwatan umano… Continue reading Pastor Quiboloy, pananagutin sa takdang oras dahil sa kawalang-galang sa batas at mga awtoridad

DA, nagpaliwanag sa pagharang ng mga imported na manok na panabong mula sa Amerika

Nagpaliwanag ang Department of Agriculture (DA) kung bakit naharang ang imported na mga manok na panabong mula sa Amerika. Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ito ay isang bahagi ng hakbang ng Bureau of Animal Industry o BAI upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng avian influenza sa poultry industry ng… Continue reading DA, nagpaliwanag sa pagharang ng mga imported na manok na panabong mula sa Amerika

Pagpapalalalim ng samahan ng Pilipinas at Indonesia, napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Presumptive Indonesian President Prabowo

Naipaabot na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang pagbati kay Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, na nangunguna sa presidential elections ng Indonesia, sa pamamagitan ng isang telephone call. Sa naging pag-uusap ng dalawang lider, nangako ang mga ito na patatatagin pa ang bilateral ties ng dalawang bansa. Ginamit ni Pangulong Marcos ang pagkakataon… Continue reading Pagpapalalalim ng samahan ng Pilipinas at Indonesia, napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Presumptive Indonesian President Prabowo

PBBM, bukas sa panukalang dagdagan ang tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps na buntis at nag-aalaga ng sanggol — DSWD

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukala na bigyan ng karagdagang tulong ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na buntis at ina na may inaalagang sanggol upang matugunan ang malnutrisyon. Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ginanap… Continue reading PBBM, bukas sa panukalang dagdagan ang tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps na buntis at nag-aalaga ng sanggol — DSWD