Mega Job Fair, alok ng Manila LGU ngayong araw

Nagpapatuloy ngayong araw ang pagsasagawa ng two-day “Mega Job Fair” ng city government ng Maynila sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) nito sa Robinsons Manila. Ayon sa PESO Manila, daan-daang trabaho ang naghihintay sa mga aplikanteng pupunta sa Job Fair ngayong araw na mula sa iba’t ibang industriya tulad ng hospitality, restaurant, production,… Continue reading Mega Job Fair, alok ng Manila LGU ngayong araw

Bahagi ng Canumay Overpass Northbound, sasailalim sa safety repair works

Magpapatupad ng safety repair works ang North Luzon Expressway Corporation sa Canumay Overparpass Northbound pagkatapos ng Valenzuela interchange. Sa abiso ng NLEX Corporation, isasara ang lane simula Pebrero 26 ng umaga hanggang Marso 3 ng gabi. Lahat ng motorista ay pinapayuhan na huwag munang dumaan sa Canumay Overpass para bigyang daan ang repair works. Mananatiling… Continue reading Bahagi ng Canumay Overpass Northbound, sasailalim sa safety repair works

‘Z benefit’ para sa mga cancer patients itinaas ng PhilHealth sa ₱1.4 milyon

Itinaas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang “Z-benefit” package nito para sa mga pasyenteng may breast cancer mula sa ₱100,000 paakyat sa halagang aabot sa ₱1.4 milyon. Ayon sa PhilHealth, layunin ng pag-angat na ito na matugunan ang pinansiyal na pasanin ng mga pasyente sa kanilang paggagamot laban sa sakit na breast cancer. Ang… Continue reading ‘Z benefit’ para sa mga cancer patients itinaas ng PhilHealth sa ₱1.4 milyon

Pasig City LGU, magbubukas ng Job Fair sa Miyerkules

Ilulunsad na sa darating na Miyerkules, Pebrero 28, 2024 ang Mega Job Fair at One-Stop Shop ng Pamahalaang lungsod ng Pasig. Gaganapin ang job fair sa Pasig City Hall Quadrangle, simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Ngayon pa lang, nanawagan na ang pamahalaang lungsod sa mga first time job seekers na samantalahin ang… Continue reading Pasig City LGU, magbubukas ng Job Fair sa Miyerkules

PCO, pinayuhan ang mga kabataang huwag maging kasangkapan sa pagpapakalat ng fake news

Hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga kabataan na huwag maging kasangkapan at pagmulan pa ng mga pekeng balita o maling impormasyon. Ang paghikayat ay ginawa ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa gitna ng ikinasang Community Campus Caravan sa Leyte Normal University sa Tacloban City ng PCO. Ayon Kay Ridao,… Continue reading PCO, pinayuhan ang mga kabataang huwag maging kasangkapan sa pagpapakalat ng fake news

DSWD, namahagi ng tulong pinansyal sa mga dating violent extremists sa Lanao del Norte

Tatlong dating violent extremists sa Lanao Del Norte na nagbalik-loob sa gobyerno ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang bawat isa ay nakatanggap ng tig-₱10,000 mula sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program. Ayon kay DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay,… Continue reading DSWD, namahagi ng tulong pinansyal sa mga dating violent extremists sa Lanao del Norte

Climate Change Commission, nagbabala sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa

Pinaghahanda ngayon ng Climate Change Commission (CCC) ang mga Pilipino sa pinakahuling babala nito ukol sa inaasahang banta ng El Niño sa bansa ngayong taon. Ito ay matapos ilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang forecast nito ng malakas na aktibidad ng El Niño ngayong buwan na magpapatuloy mula Marso hanggang… Continue reading Climate Change Commission, nagbabala sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa

PBBM, biyaheng Australia sa darating na Miyerkules at nakatakdang magsalita sa Australian Parliament

Patungong Australia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa darating na Miyerkules, mula Pebrero 28 hanggang Pebrero 29. Ayon sa Presidential Communications Office o PCO, bisita ang Pangulo ng pamahalaang Australia kung saan nakatakda ring magsalita ang Punong Ehekutibo sa Australian Parliament. Inaasahang may kinalaman sa Strategic Partnership sa pagitan ng dalawang bansa na nalagdaan… Continue reading PBBM, biyaheng Australia sa darating na Miyerkules at nakatakdang magsalita sa Australian Parliament

Higit ₱6-milyong halaga ng illegal drugs, nasamsam ng PDEA; lima ang arestado

Aabot sa ₱6.8 million halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City Memorial Circle kagabi. Kasabay nito ang pagkaaresto ng limang babae na pawang mga taga-Pulilan at Dinalupihan, Bataan. Mag aalas-8:00 kagabi nang isagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit… Continue reading Higit ₱6-milyong halaga ng illegal drugs, nasamsam ng PDEA; lima ang arestado