Sen. JV Ejercito, tiwalang gaganda na ang mga pasilidad ng NAIA sa pagsasapribado ng operasyon nito

Kumpiyansa si Senador JV Ejercito na sa pamamagitan ng pagsasapribado ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay mas mapapaganda ang mga pasilidad at operasyon ng paliparan. Ginawa ng senador ang pahayag na ito matapos ang napaulat na pagkakaroon ng surot sa mga upuan ng NAIA. Kinilala naman ni Ejercito ang paghingi ng paumanhin… Continue reading Sen. JV Ejercito, tiwalang gaganda na ang mga pasilidad ng NAIA sa pagsasapribado ng operasyon nito

“Road to A Credit Rating Agenda,” mananatiling pagsisikapan ng Marcos Jr. Administration na makamit -DOF Sec. Recto

Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kayang makamit ng bansa ang ambitious target na “A” credit rating bago matapos ang administrasyong Marcos Jr. Sa panayam kay Recto, sinabi nito na mananatili ang “Road to A Credit Rating Agenda,” na unang itinakda sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ayon kay Recto, naging mabunga ang pakikipagpulong ng… Continue reading “Road to A Credit Rating Agenda,” mananatiling pagsisikapan ng Marcos Jr. Administration na makamit -DOF Sec. Recto

Biyahe ng Pangulong Marcos sa Australia, inaasahang maghahatid ng “Bagong Pilipinas” na hitik sa oportunidad at pagkakataon sa bansa – DOF

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Suportado ng Department of Finance (DOF) ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canberra, Australia Ayon sa DOF, kaisa sila ng Pangulo upang ihatid sa bansa ang “Bagong Pilipinas” na puno ng oportunidad at pagkakataon mula sa kanyang foreign trip. Ang pagbisita ng Pangulo ay inaasahang magdudulot ng mas matibay na relasyon ng Pilipinas… Continue reading Biyahe ng Pangulong Marcos sa Australia, inaasahang maghahatid ng “Bagong Pilipinas” na hitik sa oportunidad at pagkakataon sa bansa – DOF

Pangulong Marcos Jr., pinasalamatan ang Australia sa suporta nito sa Pilipinas sa mga usapin sa South China Sea

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Personal na pinasalamatan ni Ferdinand R. Marcos Jr. ang Australia sa walang patid na suporta nito sa maritime claims ng Pilipinas sa South China Sea (SCS). Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Australian Parliament sa Canberra, pinapurihan nito ang Australia sa pananatiling kaisa ng Pilipinas sa pagsisiguro ng malaya at bukas na karagatan. Ipinunto… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinasalamatan ang Australia sa suporta nito sa Pilipinas sa mga usapin sa South China Sea

Senado, babalangkas ng rules tungkol sa pag apruba ng panukalang economic chacha

Tiniyak ni Senate Majority Leader at Senate Committee on Rules Chair Joel Villanueva na pag-aaralan na nilang bumalangkas ng mga malinaw na polisiya para sa pagbuo ng Senate Assembly sa pagtalakay sa Economic Chacha bill. Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos ipahayag ni Senador Chiz Escudero ang kanyang pangamba na makuwestiyon ang kanilang proseso dahil… Continue reading Senado, babalangkas ng rules tungkol sa pag apruba ng panukalang economic chacha

Pagsabay ng Plebesito sa panukalang chacha sa 2025 midterm elections, logical at praktikal – COMELEC

Tinawag na “logical at praktikal” ng Commission on Elections (COMELEC) na isabay na sa 2025 midterm elections ang plebesito para maamyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas. Sa paglulunsad ng Register Anywhere Project ng Poll Body sa tanggapan ng MERALCO ngayong araw, sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, na aabot sa P13 bilyong ang… Continue reading Pagsabay ng Plebesito sa panukalang chacha sa 2025 midterm elections, logical at praktikal – COMELEC

P500 discount sa weekly groceries ng senior citizens at PWDS, pinuri ng Camarines Sur solon

Pinuri ni Camarines Sur Representative Lray Villafuerte ang pagtaas sa diskwentong natatanggap ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs). Ginawa ni Villafuerte ang pahayag kasunod ng pag-anunsiyo ni House Speaker Martin Romualdez sa P500 na buwanang diskwento sa groceries ng seniors at PWDs, at kasunod ng kanyang naging pulong kasama ang Department of… Continue reading P500 discount sa weekly groceries ng senior citizens at PWDS, pinuri ng Camarines Sur solon

Proyektong register anywhere ng COMELEC, isinagawa sa tanggapan ng MERALCO

Tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang proyektong “Register Anywhere” sa iba’t ibang panig ng bansa. Ngayong araw, pinangunahan ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang paglulunsad ng proyekto sa tanggapan ng Manila Electric Company (MERALCO) sa Pasig City. Sa ilalim ng proyekto, maaari nang magparehistro saan man kahit wala sa kanilang… Continue reading Proyektong register anywhere ng COMELEC, isinagawa sa tanggapan ng MERALCO

Iba’t ibang public utilities sa bansa, nagpahayag ng suporta sa pagluluwag sa economic provisions ng 1987 Constitution

Suportado ng ilan sa public utility ang panukalang amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution kung saan lalagyan ito ng mga katagang “unless otherwise provided by law.” Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng Committee of the Whole House sa Resolution of Both Houses No. partikular sa section 11 ng Article 12, sinabi ni Meralco Senior Vice… Continue reading Iba’t ibang public utilities sa bansa, nagpahayag ng suporta sa pagluluwag sa economic provisions ng 1987 Constitution

Pangulong Marcos, pinangunahan ang wreath laying ceremony sa Australian War Memorial

Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga sundalo ng Australia na nagbuwis ng kanilang buhay sa paggampan sa kanilang tungkulin. Ang ilan sa mga ito, una nang nakipaglaban at naging kabalikat ng Pilipinas sa pagtatanggol ng kalayaan. Sa State Visit ng Pangulo sa Canberra, Australia, kabilang sa kaniyang mga aktibidad ang wreath laying… Continue reading Pangulong Marcos, pinangunahan ang wreath laying ceremony sa Australian War Memorial