Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na mas lalakas pa ang ilang aspeto ng relasyon ng Pilipinas at Australia sa harap ng nakatakdang pirmahan ang tatlong agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa bahagi ng kanyang joint statement, sinabi ng Pangulo na sa mga pipirmahang tatlong bagong kasunduan ay mas lalakas pa ang information sharing capability building sa aspeto ng interoperability in the maritime domain ng Pilipinas at Australia.
Bukod pa dito ang inaaaahang mas matatag na partnership sa aspeto ng cyber and critical technology gayundin ng competition law.
Dagdag pa dito, aniya, ang mga pipirmahang agreement sa una nang higit 120 mga kasunduan na nalagdaan sa mga nagdaan pang panahon.
Ang mga ito ay may kaugnayan sa larangan ng air services, edukasyon, research, scientific cultural cooperation, at defense cooperation. | ulat ni Alvin Baltazar