Natanggap na ng 37 tsuper mula sa lalawigan ng Quirino ang kanilang livelihood starter kits mula sa DOLE na bahagi ng ayuda na ibinibigay sa mga driver na naapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) Program.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Aglipay, Cabaroguis, Diffun at Maddela.
Sa ilalim ng EnTSUPERneur livelihood program, ang mga ito ay tumanggap ng auto workshop, bread & pastry production, carwash, feeds retailing, fried chicken vending at vulcanizing services bilang kanilang napiling pagkakakitaan.
Ayon kay Regional Director Jesus Elpidio B. Atal Jr., ang Entsupernuer ng DOLE ay naglalayong makatulong sa mga driver na may ibang pagkukunan ng pangkabuhayan maliban sa pamamasada.
Nauna na ring nabigyan ng kahalintulad na ayuda ang ilang mga tsuper sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. | via Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao