Nagpadala ang 53rd Infantry “Matapat” Battalion, Philippine Army ng family food packs sa mga pamilyang bitikma ng kalamidad sa Davao Region.
Ito’y bahagi ng humanitarian assistance and disaster response ng Philippine Army para sa mga naapektuhan ng shear line at low pressure area (LPA) sa nabanggit na rehiyon.
Ayon kay Lt. Col. Terence Ylanan, commanding officer ng 53rd IB, umabot sa 15,000 family food packs ang kanilang ipinadala sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Region-9 (DSWD-9) noong araw ng Biyernes.
Aniya, ang pagpapadala ng mga food packs at iba pang humanitarian aid ay isinagawa kahapon sa tulong na rin ng Office of Civil Defense (OCD)-Zamboanga Peninsula at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay