Pinuri ni Finance Secretary Ralp Recto ang Social Security System (SSS) sa naitalang mataas na contribution collection.
Nakipagpulong kamakailan si Recto sa SSS management team upang talakayin ang financial performance, investment portfolio ng ahensya.
Ayon kay Recto, naging mahusay ang disbursement ng SSS sa mga benepisyo ng mga miyembro noong 2023 kasama na ang kanilang kita mula sa mga investment.
Tinalakay ng kalihim ang mga pangunahing programa sa SSS members at pensioners.
Tiniyak ng kalihim kay SSS President at CEO Rolly Macasaet ang suporta ng Department of Finance (DOF) sa strategic plans ng SSS para 2024, upang lalong lumawak ang kanilang coverage, improvement ng contribution collection at investments, at serbisyo nito sa mga miyembro.
Pinasalamatan naman ni Macasaet ang Finance Chief sa kanyang batas na Social Security Act of 2018 noong siya ay mambabatas pa, kaya nag-expand ang investing capacity nito na nagresulta ng malaking kita para sa mga miyembro. | ulat ni Melany Valdoz Reyes