ACT-CIS PARTYLIST, pinuri ang Marcos Administration sa pagsasabatas ng RA 11982

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri at pinasalamatan ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagsasabatas nito sa Republic Act 11982 na magbibigay ng cash incentives sa mga octogenarian at nonagenarian.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga senior citizen ay makakatanggap ng P10,000 na cash gift oras na tumuntong sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Ani Tulfo, ipinapakita nito na tunay na may malasakit ang ating pamahalaan sa mga kababayan nating senior citizens.

Si Tulfo, kasama ang iba pang mga kinatawan ng ACT-CIS Partylist na sina Reps. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap ay mga co-author ng bagong lagdan batas para sa mga senior citizen.

“Siguradong matutuwa ang mga senior citizen natin dahil sa panibagong benipisyo na kanilang matatanggap. Maraming salamat kay President Bongbong Marcos Jr. at sa ating mga kasamahan sa Kongreso at Senado na napagtagumpayan natin maipasa ang batas na ito.” saad ng mga kinatawan.

Nakikita naman ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na makakatulong ang batas na ito para maibsan ang financial burden ng mga nakakatanda.

Kaya naman para tunay na mapakinabangan ito ng mga senior ay dapat aniyang bilisan ng Philippine Statistics Authority ang pamamahagi ng National ID.

Gayun din ay pahintulutan ang paggamit at pagkilala sa mga senior ID na inilabas ng mga local government unit (LGU) kahit ito ay laminated, birth certificate, cedula o kahit anong dokumento na magpapatunay sa kanilang edad.

Aniya hindi kasi lahat ng LGU ay may kakayanan na magbigay ng senior ID na plastic o PVC type at kung minsan ay pinagduduhan o hindi tinatanggap ang ibang pagkakakilanlan.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us