Ikinagalak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagtugon ng Department of Education (DepEd) sa panawagan na maging mas flexible sa pagtatakda ng school calendar days at sa pagprayoridad ng kapakanan ng mga estudyante.
Reaksyon ito ng senador sa pag-adjust ng closing ng kasalukuyang academic year sa May 31, 2024 mula sa orihinal na June 14,2024.
Pero kasabay ng hakbang na ito ay binigyang diin ng senador na dapat tiyakin na ang adjusment sa school calendar ay hindi makakabawas sa haba ng school days na minamandato ng batas, na itinakda sa minimum na 200 days.
Umaasa rin ang majority leader na magkakaroon ng synchronicity o pagkakatugma sa pagitan ng DepEd at ng Commission on Higher Education (CHED).
Kailangan aniyang tiyakin na walang magiging lull time ang mga estudyante na magtra-transition mula secondary patungong tertiary level.
Hinikayat rin ni Villanueva ang CHED at iba pang higher education institutions (HEIs) na ikonsidera ang pagbabagong ito para hindi mawala ang momentum ng sa pag-aaral at walang masasayanag na oras para sa kanilang pagkatuto. | ulat ni Nimfa Asuncion