Pinasalamatan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Estados Unidos sa kanilang suporta sa relief operations ng AFP sa Mindanao.
Ayon sa AFP chief, maraming komunidad sa landslide-affected area sa Davao de Oro ang napagkalooban ng tulong dahil sa pagsasanib pwersa ng AFP at US Military sa paghahatid ng relief supplies.
Patunay aniya ito ng matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa panahon ng pangangailangan.
Hanggang kahapon, umabot na sa 15,400 Family Food Packs mula sa Department of Social Welfare and Development ang naihatid sa mga apektadong komunidad gamit ang US Marine Corps (USMC) KC-130J Hercules aircraft.
Sinabi ng AFP chief na sa mga kahalintulad na pagkakataon sa hinaharap, maaring i-pre-position sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ang mga relief goods para sa mas mabilis na pamamahagi sa nangangailangan. | ulat ni Leo Sarne
📸: Tactical Operations Wing Eastern Mindanao, PAF