Nilagdaan ang isang kasunduan para sa donasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng modernong dental equipment mula sa Okada Foundation Inc.
Ang kasunduan ay nilagdaan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at Okada Foundation President James Lorenzana sa Camp Aguinaldo kahapon, Pebrero 26.
Ang modernong kagamitan na kinabibilangan ng Cone-beam Computed Tomography (CBCT) systems, dental microscopes, at dental loops ay ilalagay sa mga pasilidad ng AFP Dental Service.
Ang donasyon ay inaasahang makakatulong sa AFP sa pagkamit ng Class IV dental
profile para sa mga tauhan ng militar na magpapahusay sa pangkalahatang kahandaan ng mga tropa.
Pinasalamatan ni Gen. Brawner ang Okada Foundation sa kanilang donasyon na aniya’y pakikinabangan ng mga tauhan ng AFP at kanilang dependents. | ulat ni Leo Sarne
📷: TSg Obinque/PAOAFP