Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay tugon at gawing mabisa at mapabilis ang serbisyo ng pamahalaan, ang Food and Drug Administration (FDA), sa pamumuno ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, ay kaisa paggawa ng mga hakbang upang makamit ang layunin ng pamahalaang Marcos Jr. na 10-point agenda para sa economic renewal and long-term growth na muling magbabalik ng kasaganaan sa bawat Pilipino. Kabilang rito ang pagpapatibay ng drug manufacturing sa bansa.
Bilang hakbang, ang FDA sa tulong ng Center for Drug Regulation and Research na pinangungunahan ni Director Jesusa Joyce Cirunay, ay naglabas ng Facilitated Review Pathway (FPR) sa papamagitan ng isang FDA Circular na may layunin na bigyan ng alternatibong registration process ang mga nagnanais na mag register ng generic drugs. Sa pamamagitan ng FDA Cicrular na ito, ngayon ay mapapaikli na ang evaluation at approval ng mga Generic Drugs na dating mula 120 working days ay ngayon 45 days na lang.
Ang FDA ay nakakasiguro na hindi mapapabayaan na ligtas, mabisa at dekalidad ang bawat generic at essential drug na mabibili ng publiko.
Ang hakbang na ito ng FDA sa ilalim ng pamahalaang Marcos Jr., na alinsunod sa mga umiiral na batas at patununtunan tulad ng Universal Health Care Act, ay tiyak na makakatulong na maging abot-kaya ang mga generic at essential drugs para sa bawat mamamayang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas!