Inaresto ng National Bureau of Investigation – Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) ang anim kataong sangkot sa illegal quarrying at mining sa Hermosa Bataan.
Kinilala ang mga hinuli na sina Domingo Leal, Saldy Adelantar, Rio Bueno, Mark Anthony Santos, Arjay Mamalateo at Christopher Alba.
Bago sila inaresto, nakatanggap ng sumbong ang NBI-EnCD kaugnay sa talamak na illegal mining at quarrying activities sa Barangay Maambog, Hermosa, Bataan.
Napatunayan ding walang kaukulang permit ang operasyon mula sa Provincial Mining Regulatory Board ng probinsya ng Bataan at Department of Environment and Natural Resources Mines and Geosciences Bureau sa Region 3.
Dahil dito, ikinasa ng NBI-EnCD ang entrapment operation laban sa Maxphil Management Development Inc (Maxphil) at naaresto sa akto ang anim na katao.
Kasamang kinumpiska ang mga ginagamit na truck at backhoes.
Kasabay nito ang pag-isyu din ng DENR ng Cease-and-Desist Order laban sa Maxphil. | ulat ni Rey Ferrer