Tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit applications para sa mga bus na bibiyahe sa darating na Semana Santa.
Ito ay para masigurong may sapat na bilang ng bus sa mga lugar na bultu-bulto ang pasahero.
Ayon sa LTFRB, tatagal ang filing ng special permits (SP) hanggang sa March 8, 2024.
Ang probisyon naman ng special permits ay limitado lamang mula March 24-31, 2024.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng LTFRB ang mga operator na nais magsumite ng aplikasyon para sa special permit na ihanda na ang mga kakailanganing requirements kabilang ang kasalukuyang LTO OR/CR; at valid Personal Passenger Accident Insurance Policy. | ulat ni Merry Ann Bastasa