Natanggap na ng opisina ni Senate Committee on Ethics Chairperson Senadora Nancy Binay ang apology letter na pinadala ni Senador Robin Padilla kaugnay ng nangyaring IV drip incident sa kanyang opisina nitong nakaraang linggo.
Sa tugon ni Binay, sinabi nitong nauunawaan niya ang pagsusumamo ni Padilla at nauunawaan ang alalahanin nito patungkol sa mga naging kaganapan nitong nakalipas na mga araw.
Binigyang diin ng senadora na tungkulin nilang mga senador na pangalagaan ang integridad ng mataas ng kapulungan.
Umaasa si binay na magsisilbing aral ang insidenteng ito at manatili silang higit sa kapintasan bilang mga kinatawan at halal ng taumbayan.
Una nang sinabi ni Binay na bagamat tinatanggap niya ang apology ni Padilla ay iimbestigahan pa rin ito ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Ethics kung may maghahain ng reklamo kaugnay ng insidente.| ulat ni Nimfa Asuncion