Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Jose Moises Salonga, bilang bagong administrador ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ito ang inanunsyo ni Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ngayong hapon. (Feb 26).
Papalitan nito sa pwesto si Homer Revil.
Ayon sa kalihim, si Salonga ay nagtapos sa Ateneo de Manila University noong taong 1999, sa kursong Economics.
Una na rin itong nagsilbi sa Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ng Philippine National Police (PNP).
Naglingkod na rin sa ilalim ng National Power Corp., Land Bank of the Philippines (LBP), Office of the Executive Secretary, at maging sa PNOC-Renewable Corp.
“Salonga will take over the operations of the LWUA, a government-owned and controlled corporation (GOCC) with a specialized lending function mandated by law to promote and oversee the development of water supply systems in provincial cities and municipalities outside of Metro Manila.” — Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan