Unti-unti nang natutugunan ng Land Transportation Office (LTO) ang problema sa backlog ng plaka ng sasakyan.
Sa pagharap ng ahensya sa ipinatawag na pulong ng House Committee on Transportation sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na nasa 1.57 million na ang kanilang cleared backlogs.
Habang mayroon pang 12.5 million na backlogs ng vehicle plates.
Ngunit ang backlog aniyang ito ay yung mga kailangang palitan na “green plates” tungo sa “black and white.”
Mula naman sa 11-million ay bumaba na sa 9-million ang backlog sa plaka ng motorsiklo.
Sisikapin naman aniya ng LTO na sa ikatlong quarter ng 2025 ay makumpleto na ang motorcycle plates. | ulat ni Kathleen Jean Forbes