Magpapatupad ng safety repair works ang North Luzon Expressway Corporation sa Canumay Overparpass Northbound pagkatapos ng Valenzuela interchange.
Sa abiso ng NLEX Corporation, isasara ang lane simula Pebrero 26 ng umaga hanggang Marso 3 ng gabi.
Lahat ng motorista ay pinapayuhan na huwag munang dumaan sa Canumay Overpass para bigyang daan ang repair works.
Mananatiling sarado ang 100-meter portion ng Canumay Overpass Northbound sa rightmost lane 4 hanggang matapos ang proyekto.
Tiniyak pa ng NLEX Corporation na maglalagay ng direction at safety signs sa mga strategic areas bilang gabay sa mga motorista. | ulat ni Rey Ferrer