Abiso sa ating mga motorista.
Pansamantalang isasara muna sa daloy ng trapiko simula ngayong araw, February 10, ang isang bahagi ng southbound lane ng Legarda Street sa Sampaloc, Maynila para bigyang daan ang rehabilitasyon na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa DPWH, bahagi ng rehabiltasyon ay ang kalsadang sakop ng inner southbound ng Legarda St. magmula sa San Rafael St. at Arlegui St.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa inyong paroroonan upang hindi maabala sa nasabing pagsasara ng nasabing bahagi ng kalsada.
Kung hindi naman maiwasang dumaan sa lugar, kung pa-southbound ay maaaring dumaan sa San Rafael St. at sa J. Nepomuceno Street.
Wala namang tiyak na panahon ang DPWH-NCR kung kailan matatapos ang isinasagawang pagkukumpuni nito sa Legarda.| EJ Lazaro