Nagpahayag ng interes ang bansang Sweden na makipagtulungan sa Pilipinas sa sector ng transprtasyon, enerhiya, digitalization, pagmimina, healthcare at sa imprastruktura.
Sa bilateral meeting nila Finance Secretary Ralph Recto at Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg tinalakay ng mga ito ang mga potenysal na hakbang para sa strategic investments.
Binigyan pansin ni Sec. Recto ang mga alalahanin ng mga Swedish investors sa bansa at nangakong i-streamline ang proseso ng pag-apruba ng proyekto para sa financing at private investment at ease of doing business sa Pilipinas.
Pinuri naman ni Thonborg ang pagsisikap ng Department of Finance (DOF) na amyendahan ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise (CREATE) law na siyang magiging daan para pagbutihin ang pagnenegosyo para sa mga Swedish Investor sa Pilipinas.
Natalakay din sa nasabing pulong ang posibleng pakikipagtulugan sa Official Development Assistance para higit na matugunan ang mga kinakailangan sa pagpopondo ng gobyerno ng Pilipinas para sa malalaking proyektong imprastraktura. | ulat ni Melany V. Reyes