Pormal nang idineklara ng Department of Agriculture (DA) na “free na sa Avian influenza” ang Lalawigan ng Benguet, matapos ang dalawang taon mula nang makumpirma ang unang kaso ng H5N1 strain infection.
Dahil dito bumaba na lang sa siyam ang bilang ng mga lalawigan na may kumpirmadong kaso at hindi pa nakaka-recover sa AI-free status.
Ang mga unang kaso ng H5N1 strain infection ay nakita sa iba’t ibang ibon, kabilang ang layer at native na manok, itik, pabo at gansa sa pagitan ng Pebrero at Setyembre 2022 sa Lungsod ng Baguio, at sa mga bayan ng Atok, Buguias, Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay.
Pebrero 9 nang ianunsiyo ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 66 na munisipalidad sa 10 probinsya ang apektado ng bird flu.
Walang naiulat na mga kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) mula noong simula ng 2024. | ulat ni Rey Ferrer