Nadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong pamilya at mga barangay sa Surigao del Sur dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.
Sa huling tala na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kaninang tanghali ay nasa 56 barangay na ang binaha mula sa 6 na bayan at lungsod ng Bislig. Samantala, umabot na rin sa 24,290 na ang apektadong pamilya kung saan 2,306 nito ay nasa 14 na evacuation centers.
Sa kasalukuyan, ang bayan ng Lingig ay may pinakamaraming apektadong pamilya at nakapagtala ng mga landslide sa ilang mga barangay nito na hindi pwedeng madaanan ng mga sasakyan.
Patuloy naman nakaalerto at naka-monitor ang lahat ng local DRRMCs sa buong lalawigan. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP Tandag
📷: LGU Hinatuan, Lingig & Carrascal