Sa pinakahuling report ng Masara Landslide Incident Command Post, nasa 68 na ang bilang ng mga namatay sa landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro
Sa isinagawang media briefing ngayong hapon sa Incident Command Post, sinabi ni Leah Añora ng Davao de Oro DILG at Head ng Management of the Dead and Missing o MDM Cluster, na sa naturang bilang, lima ang hindi pa nakikilala.
Nasa 26 dito ay mga empleyado ng APEX Mining, samantala, 42 naman ay mga residente sa lugar.
Samantala, may 51 pang confirmed missing, kung saan 24 dito ay mga residente sa lugar, 8 ay mga empleyedo ng APEX Mining, at 19 sa MSGSI manpower services na nakakontrata sa APEX.
Patuloy nananawagan si Añora sa mga residenteng may nawawalang mahal sa buhay na dumulog sa Incident Command Post sa Barangay Elizalde, kung saan may ginawang one-stop-shop para sa pagpapa-blotter at pagdeklara na missing kanilang kamag-anak.
Ito’y upang mas mapabilis ang pag-identify ng mga nahukay na mga bangkay at ma-release sa mga claimant na mga kamag-anak.| ulat ni Maymay Benedicto| RP1 Davao