Naniniwala si Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers na panahon nang sampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang kumpanyang Flava.
Kasunod ito ng pagdinig ng House Ways and Means Committee kung saan kinakitaan ng sapat na batayan na nilabag ng naturang vape company ang Vape Law ng bansa.
Isa na rito ang pagbebenta at marketing ng vape products sa mga menor de edad gamit ang social media at e-commerce platform.
Kaya hiling ni Barbers sa DTI na bawiin ang business license at permit ng Flava at alisin ang lahat ng produkto nito sa merkado.
“I urge the Department of Trade and Industry (DTI), as the vaping industry regulator, to heed the committee report’s recommendations: Revoke Flava Corporation’s business license and permit, as well as remove all of its vapes from the market,” ani Barbers.
Maliban dito natuklasan na mayroong P728 millyon na hindi nabayarang buwis ang Flava.
Kung sampahan aniya ng kaso ng BIR ang kumpanya at manalo ay inaasahang kikita ang gobyerno ng P7.2 bilyon na para kay Barbers ay maaaring magamit sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan sa loob ng dalawang taon.
“With strong evidence against Flava, the BIR can generate for public coffers up to P7.2 billion. This potential windfall is more than double of the P3.4 billion budget of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) for 2024. We can duplicate our anti-illegal drugs campaign efforts if the government will collect what is due from tax evaders,” dagdag ni Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes