Suportado ng Department of Finance (DOF) ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canberra, Australia
Ayon sa DOF, kaisa sila ng Pangulo upang ihatid sa bansa ang “Bagong Pilipinas” na puno ng oportunidad at pagkakataon mula sa kanyang foreign trip.
Ang pagbisita ng Pangulo ay inaasahang magdudulot ng mas matibay na relasyon ng Pilipinas at Australia sa larangan ng defense, security to economic cooperation, at people-to-people cooperation.
Inaasahan ding tatalakayin ng punong ehekutibo ang trade and investment, na dapat samantalahin ng dalawang bansa sa mga susunod na taon.
Hinikayat ng kagawaran ang sambayanan, na suportahan ang hangarin ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagpapatibay ng mas matibay na ugnayang diplomatiko at pagtutulungan ng mga bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes