Lumagda ng kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) para sa information exchange.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) ay upang palakasin ang kolaborasyon ng dalawang ahensya tungo sa mas resilient at responsive na financial sector.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, ang Revised MOA ay napapanahon upang makasunod ang PDIC at BSP sa pagbabago ng panahon at pangangasiwa ng mga bangko sa bansa.
Sa panig naman ni PDIC President and CEO Roberto Tan, mahalaga ang “transparent communication” sa pagitan ng dalawang ahensya upang agad na maresolba at matugunan ang mga hamon sa banking sector.
Layon din nito na protektahan ang depositing public laban sa fraud at scams na nagkalat na sa ngayon.
Ang Revised MOA ay amiyenda sa kasunduan noong November 2002 at supplemental sa MOA na inilabas noong 2004.| ulat ni Melany V. Reyes