Nagkasundo ang mga miyembro ng House Committee on Public Works ang Highways na ilapit kay Speaker Martin Romualdez ang tapyas sa pondo ng DPWH ngayong 2024.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Romeo Momo, chair ng Komite, kakausapin niya si Speaker Romualdez para ipaabot ang hinaing ng ahensya dahil sa naranasang budget cut na malaki ang magiging epekto sa mga proyekto nito.
Ayon kay Momo, kabilang sa mga apektado ng budget cut ng DPWH ang Preliminary Detailed Engineering; Road Right of Way; Official Development Assistance (ODA) Infrastructure Flagship Projects; at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
Paalala ng mambabatas na ang backbone o sandigan ng ating ekonomiya ay ang imprastraktura kaya mahalaga na mayroon itong sapat na pondo.
“Indeed, the backbone of an economy is its infrastructure, hence as legislators, we need to ensure that, not only we have relevant laws in support of our infrastructure projects and programs, such as the PPP Code and RROW Bill (HB 6571, amending RA 10752). But more importantly, the DPWH shall have (a) correct and sufficient budget for its various priority programs and operating expenses,” saad ni Momo.
Noong nakaraang budget deliberation, mahigpit na binusisi ng Kamara at Senado ang budget ng DPWH dahil sa nasilip na P4.4 billion na double entries.
Nagpatawag ng briefing ang komite ngayong linggo mula sa ahensya upang alamin ang estado ng proyekto ng mga nakalinyang proyekto ngayong 2024 kasama ang ODA funded projects, policy programs at ang mga planong proyekto sa 2025. | ulat ni Kathleen Forbes