Inaprubahan ng Kamara sa sesyon nito ngayong hapon ang House Resolution 1562.
Inahahayag dito ang nagkakaisa at buong suporta ng mga miyembro ng Kapulungan ng Kinatawan sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.
Ito ay kaugnay pa rin sa mga walang basehang paratang at akusasyon laban sa lider ng Kamara dahil sa itinutulak na people’s initiative.
Nagkaisa rin ang mga kongresista na depensahan rin ang integridad at dignidad ng Mababang Kapulungan mula sa mga pag-atake at paninira.
Bago tuluyang pagtibayin ang resolusyon ay tumayo ang mga lider at kinatawan ng political parties at para ihayag ang suporta sa resolusyon.
Kabilang dito sina North Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha T. Santos para sa Lakas-CMD, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng Nacionalista Party (NP), Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ng National Unity Party (NUP), San Jose del Monte City Rep. Rida Robes para sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Palawan Rep. Jose “Pepito” Alvarez ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. ng Liberal Party (LP), TGP Partylist Rep. Jose “Bong” Teves, Jr. ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), at Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, at Rizal Rep. Jack Duavit para sa Nationalist People’s Coalition (NPC) delivered their speeches to support the resolution strongly.
Hanggang nitong alas-siyete ng gabi, umabot sa 288 mambabatas ang lumagda sa resolusyon bilang co-author.| ulat ni Kathleen Forbes