Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang liderato ng Bureau of Treasury sa pag-oorganisa ng “financial literacy sessions” upang makahikayat ng mas maraming mamumuhunan sa Pilipinas na magreresulta naman sa mas magandang buhay para sa mga Pilipino.
Kasunod na rin ito ng ginanap na forum kasama ang mga miyembro ng Cornell Club Philippines.
Aniya ang nga programa gaya nito ay hindi lang basta usapin ng pananalapi, ngunit malaking tulong din para sa pag-unlad ng bansa dahil matitiyak na may sapat na resources ang Pilipinas para sa pagpapatupad ng programa at proyekto.
“To the leadership of the Bureau, I urge you to continue these endeavors with my unwavering support,” sabi ni Romualdez.
Halimbawa nito ang retail treasury bond na isang low-risk savings instrument na kumakatawan sa direkta, walang kondisyon, at pangkalahatang obligasyon ng Pilipinas at mayroong mataas na return o balik kumpara sa ordinaryong savings account.
“Learning about retail treasury bonds is not only about financial literacy but also about understanding how such instruments can aid in our country’s development,” dagdag ng House leader.
Ang Bureau of Treasury ay nagbibigay ng retail treasury bonds na may minimum investment na ₱5,000. | ulat ni Kathleen Jean Forbes